Home METRO 500 Bilibid PDLs inilipat sa Sablayan Prison

500 Bilibid PDLs inilipat sa Sablayan Prison

MANILA, Philippines- Inilipat ang panibagong batch ng 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City patungo sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro upang tugunan ang pagsisikip sa prison facilities.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na sa kasalukuyan ay mayroon nang 5,170 PDLs na nailipat mula sa NBP patugo sa iba’t ibang operating prison and penal farms (OPPFs) sa bansa mula sa Jan. 1, 2024. 

Bukod sa pagpapaluwag sa NBP, inililipat din ang mga PDL upang dagdagan ang work force ng OPPFs sa kanilang agricultural at bilang paghahanda sa pagpapalit sa Bilibid bilang isang government center.

“Last year, we were able to transfer 2,309 PDLs,” wika ni Catapang.

Sa mga nailipat sa SPPF noong Biyernes, 200 ang nanggaling sa maximum camp ng NBP, habang 200 ang mula sa medium camp, at 100 mula sa Reception and Diagnostic Center.

Sinabi ni Catapang na sinamahan ang PDLs ng 100 corrections officers na binubuo ng mga miyembro ng special weapons and tactics (SWAT), medical personnel at escort teams sa pamumuno niby CCInsp. Ronolfo Salonga sa tulong ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), at South Luzon Espressway/Star Toll Mobile Patrol Group. RNT/SA