Home METRO 5,000 Albay residents inilikas sa pag-alburuto ng Mayon

5,000 Albay residents inilikas sa pag-alburuto ng Mayon

Tinatayang nasa 5,000 katao o 1,000 pamilya ang ililikas sa kanilang mga tahanan sa Guinobatan, Albay dahil sa banta ng pagputok ng Bulkang Mayon, sinabi ni Vice Mayor Anne Gemma Ongjoco ngayong Biyernes.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Ongjoco na pinayuhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na ilikas ang lahat ng tao sa loob ng pitong kilometrong radius sa paligid ng bulkan.

“Actually, pini-prepare na po yung paglikas ng tao. Sana matapos po (ngayong araw)… Ang projected na po na i-evacuate ay 1,000 families…5,000 individuals,” a niya.

Nakahanda na rin ang mga evacuation center at mga paaralan para ma-accommodate ang mga lumikas na pamilya, dagdag pa niya.

Kinokonsidera rin at makikipag-ugnayan ang LGU sa Bicol University-Guinobatan kung maaari itong gamitin bilang evacuation center ng mga hayop.

Ang Bulkang Mayon ay kasalukuyang nasa Alert Level 3, na nagpapahiwatig ng “increased tendency towards a hazardous eruption.” RNT

Previous articleHabagat palalakasin ni #ChedengPh
Next articleMeralco may taas-singil ngayong Hunyo!