HONG KONG- Handa na ang Hong Kong na magbukas sa mundo, ayon sa pinuno nito kahapon, Huwebes, kung saan mahigit kalahating milyong libreng flights ang alok nito matapos ang tatlong taong COVID-enforced isolation.
Sa rebranding campaign ng pamahalaan na, “Hello, Hong Kong,” sinisikap itong maghayag ng “good stories” ukol sa southern Chinese city, na nabahiran ng political repression at pandemic curbs, ang business-friendly reputation nito.
Sa pangakong “no isolation, no quarantine and no restrictions” sa talumpati sa business aat nd tourism heavyweights, inanunsyo ni Chief Executive John Lee ang 500,000 free air tickets para maranasan ng mga bisita ang “hustle and bustle” ng lugar.
Magbubukas ang giveaway sa Marso, at ipamamahagi ng local airlines na Cathay Pacific, HK Express at Hong Kong Airlines.
Mag-aalok din ng 80,000 tickets sa mga residente sa summer, sa mga hindi pa inaanunsyong destinasyon.
“This, ladies and gentlemen, is probably the world’s biggest welcome ever,” ayon kay Lee. RNT/SA