Home NATIONWIDE 501 ektarya ng lupain sa Iwahig Prison tataniman

501 ektarya ng lupain sa Iwahig Prison tataniman

MANILA, Philippines- Nilalayon ng Bureau of Corrections (BuCor) na gamitin ang 501 ektarya ng lupain ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan para sa agricultural production.

Inihayag ng BuCor nitong Huwebes na alinsunod ang paggamit ng lupain ng IPPF para sa agrikultura sa Reformation Initiative for Sustainable Environment (RISE) food security project ng Department of Agriculture (DA).

Lumagda ang DA at BuCor ng memorandum of agreement (MOA) para sa RISE project.

Sinabi ng BuCor na “the project aims to engage and implement agro-industrial projects through the development of land areas and resources into productive agricultural camps or food production centers to contribute to the country’s food security.”

Anito pa, mabibigyan ng proyekto ang persons deprived of liberty (PDLs) ng “ppropriate training to equip them with the needed capability for their means of livelihood in preparation for their reintegration into society and their families, and initiate the PDLs’ rehabilitation through agricultural production training, horticultural therapy, and vocational gardening under the BuCor’s Work and Livelihood Program.”

Gayundin, mapaghuhusay umano ng proyekto ang “PDLs and other members of the community’s food sufficiency, meal nutrition, and dietary qualities with a year-round, mass produced, and sustainable harvest of fruits and vegetables.”

Inihayag ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na makapagbibigay ang RISE project ng karagdagang kita sa mga kalahok na PDLs, makatutulong sa kanilang reformation at maihahanda sila na mabuhay nang normal  at produktibo kapag nakalaya na. RNT/SA

Previous articleEnrollees para sa SY 2023-2024, 11.8M na – DepEd
Next article3,982 pasado sa August 2023 licensure examination for medical technologists