
SADYA namang kapuri-puri at kahanga-hanga ang tinaguriang “Action Man” ng Indang, Cavite na si dating Municipal Councilor at ngayon ay Kapitan Lion Virgilio F. Fidel ng Barangay Calumpang Cerca sa pamimigay nito ng mga ayudang tulong sa sampung
kapos-palad na pamilya sa may 36 barangays ng Indang, Cavite.
Kabuuang 360 pamilya ang nabigyan ng kanyang ayudang tulong gaya ng bigas at groceries na kanyang ipinamigay sa kanyang pagdiriwang ng kaarawan kamakailan.
Isinagawa ang pamamahagi ng kanyang ayudang tulong sa kanilang Barangay Calumpang Cerca Covered Court.
Hindi man bahagi ng kanyang nasasakupang barangay ang 35 iba pang barangay sa Indang, minabuti na rin ng Kapitan ng Calumpang Cerca na ibahagi ang mga biyayang
kanyang natanggap kasama ng kanyang pamilya.
Samantala, hindi naman matatawaran ang ngiti at saya ng mga kapos-palad na pamilyang nakatanggap ng biyayang ayudang tulong mula kay Kapitan Lion Vergel Fidel. Taos-puso ang kanilang pasasalamat sa kabutihang-loob ng Action Man ng
Indang Cavite.
Matatandaang noong panahong kasagsagan ng pandemyang COVID-19 ay 12 beses na namigay ng ayudang tulong si Fidel sa kanyang mga nasasakupan sa Brgy. Calumpang Cerca.
Noong nakaraang taong 2022 sa sunud-sunod na pananalasa ng bagyo hanggang kay Bagyong Ulysses sa Northern Luzon ay dalawang beses naman siyang nagtungo at ang kanyang staff sa Isabela at Cagayan para maghatid ng ayudang tulong mula sa
sarili niyang bulsa.
Nagsagawa rin si Fidel ng Pamaskong Handog sa may 250 pamilya at 500 mga bata sa Isla Ginauhan sa Caramoan, Camarines Sur kasama ang kanyang asawa na si Madam
Lion Nedilyn Fidel at mga staff noong kapaskuhan ng Disyembre 2022.
Para sa mag-asawang Fidel, mas mabuting mamahagi ng lahat ng biyayang kanilang natatanggap sapagkat naniniwala silang ang kanilang ginagawa ay babalik sa kanila hindi isang beses subalit libong beses. At para sa kanila, hindi man sila ang
makatanggap ng babalik na biyaya, masaya pa rin sila sapagkat bukod sa malinis ang kanilang kalooban, maayos ang kanilang kalusugan.
Sina Mr. & Mrs. Lion Vergel at Lion Nedi ay mga aktibong kaanib ng Indang Cavite Highlands 103 Lions Club.
Maraming salamat sa mabuting kalooban Kapitan Lion Vergel Fidel, tunay na isa kang Action Man hindi lang sa salita kundi sa kilos at gawa. God bless you more and Mabuhay kayo.