Home NATIONWIDE Pupukang debate sa OP, OVP budget asahan na – solon

Pupukang debate sa OP, OVP budget asahan na – solon

209
0

MANILA, Philippines — Asahan na ang pukpukang depate ng mga mambabatas ng Kamara sa mga panukalang badyet ng Office of the President (OP) at Office of the Vice President (OVP) sa plenaryo, ani Marikina Rep. Stella Quimbo noong Linggo.

Sinabi ni Quimbo, ang senior vice chairperson ng House appropriations committee, na ang pagpapalawig ng “parliamentary courtesy” sa dalawang tanggapan sa pagdinig ng panel ay hindi nangangahulugan na naaprubahan na ang mga badyet na iyon.

“It doesn’t mean that we will not subject their budgets to debate. That’s not what we mean. Pagdating sa plenaryo, magkakaroon po tayo ng full debate on their budgets,” paglilinaw ni Quimbo sa interbyu sa radyo.

Inaprubahan ng House appropriations committee ang mga badyet ng OP at OVP para sa 2024 — P10.7 bilyon at P2.385 bilyon ayon sa pagkakasunod-sunod — nang walang mga tanong, na binabanggit ang parliamentary courtesy.

Ang kanilang mga iminungkahing confidential fund ay pinanatili sa kabila ng mga pagkwesyon ng opposition solons.

“Iba nang tanong ‘yung kung paano ba ‘yan nagamit, etc. ‘Yon, pag-usapan pa natin pagdating sa plenaryo, hindi pa natin alam ‘yon. ‘Yun pa ‘yung mga tanong na hintayin pa natin ang mga sagot,” ani Quimbo.

“If you recall hindi naman natin narinig ang mga sagot noong committee level because we extended parliamentary courtesy to offices ‘yung OP at saka ‘yung OVP.”

Noong Miyerkules, tinapos ng komite ang mga deliberasyon nito sa panukalang 2024 national budget na nagsimula noong Agosto 10.

Plano ng House of Representatives na aprubahan ang national budget sa final reading bago ito magpahinga mula Setyembre 30 hanggang Nobyembre 5. RNT

Previous articleChiz sa BOC: Raid nang raid ‘di naman nagkakaso
Next articleKuta ng NPA, mga armas nakubkob ng militar

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here