Home NATIONWIDE 51% ng mga Pinoy tutol sa legalisasyon ng diborsyo – sarbey

51% ng mga Pinoy tutol sa legalisasyon ng diborsyo – sarbey

MANILA, Philippines- Makikita sa isang survey na isinagawa ng OCTA Research Group na 51% ng mga Pilipino ang hindi pabor sa legalisasyon ng diborsyo sa Pilipinas.

Sa “Tugon ng Masa survey” naman, pabor ang 41% ng respondents sa legalisasyon ng diborsyo sa bansa, habang undecided ang 9%.

Mayorya sa mga Pilipinong suportado ang divorce law ay mula sa Mindanao sa 48% at sinundan ng NCR sa 46%. Pinakamarami namang tumutol sa diborsyo sa Visayas sa 59%.

Isinagawa ang survey mula September 30 hanggang October 4 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents.

Mayroon itong ±3% margin of error sa 95% confidence level. RNT/SA

Previous articleRatipikasyon sa ILO Convention 190, nakasalang na sa Senado
Next articlePrison torture prevention measures tinalakay ng Senado, UN experts