Home NATIONWIDE Northeasterly windflow, shear line magpapaulan sa Luzon

Northeasterly windflow, shear line magpapaulan sa Luzon

MANILA, Philippines – Magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan ang northeasterly windflow at shear line sa bahagi ng Northern at Central Luzon sa Huwebes, iniulat ng PAGASA.

Ang Quezon, Rizal, Laguna at Camarines Norte ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line na may flash flood o landslide na posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, at Aurora ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa agos ng hanging hilagang-silangan na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa hilagang-silangan na daloy ng hangin at mga localized na thunderstorm na may flash flood o landslide na posibleng mangyari sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 5:48 a.m., at lulubog ng 5:34 p.m. RNT

Previous article3 timbog sa P340K shabu
Next articleLotto Draw Result as of | October 18, 2023