Home METRO 52 social welfare workers naospital sa ‘kontaminadong’ pagkain

52 social welfare workers naospital sa ‘kontaminadong’ pagkain

186
0

COTABATO CITY- Nasa 52 contractual workers na nagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) conditional cash transfer ng pamahalaan ang sumama ang pakiramdam nitong Huwebes ng hapon, dahil sa hinihinalang kontaminadong pagkain na ibinigay sa kanila habang sumasailali sa training sa isang hotel sa lugar na ito.

Sinabi ng opisina ni Minister Raissa Jajurie ng Ministry of Social Services and Development in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MSSD-BARMM) nitong Biyernes na nakaranas ang mga biktima ng sakit ng tiyan, pagsusuka, lagnat at sakit ng ulo.

Naka-confine pa rin ang isa sa ospital, ayon sa MSSD-BARMM nitong Biyernes.

“As we continue to monitor their condition, we humbly ask the public to be more discerning in sharing posts that may contain unverified information,” anito.

Nagsagawa ang city health authorities ng laboratory tests ng food samples upang matukoy ang sanhi ng health complaints ng 4Ps workers. RNT/SA

Previous articleJillian, inaway sa title na Star of the New Generation!
Next articleKaragdagang regional routes target ng PAL, AirAsia PH

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here