Home HOME BANNER STORY 5,366 bigtime durugista arestado; P32B droga nasamsam sa bagong admin

5,366 bigtime durugista arestado; P32B droga nasamsam sa bagong admin

MANILA, Philippines – Mahigit 5,000 drug high-value target (HVT) ang naarestp ng mga awtoridad at nasamsam ang halos P32 bilyong halaga ng narcotics mula nang magsimula ang pagsugpo sa ilegal na droga ng administrasyong Ferdinand Marcos Jr noong kalagitnaan ng 2022, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkoles.

Sa pinakahuling ulat nito sa pambansang kampanya laban sa droga, sinabi ng PDEA na may kabuuang 5,366 HVT ang naaresto mula Hulyo 1, 2022, hanggang Enero 31, 2024.

Ang mga indibidwal na ito ay kabilang sa 79,841 drug suspects na naaresto sa 58,496 na operasyon noong panahon, dagdag pa nito.

Nasamsam din ng mga awtoridad ang kabuuang P31.98 bilyong halaga ng iligal na droga sa buong bansa sa parehong panahon.

Kabilang dito ang 4,317.46 kg. ng shabu, 50.47 kg. ng cocaine, 54,013 piraso ng ecstasy tablets, at 3,197.19 kg. ng marijuana, idinagdag nito.

Samantala, sinabi ng PDEA na 28,247 sa 42,000 barangay (villages) sa bansa ang idineklarang “drug-cleared” habang 7,264 pa ang nililinis ng mga awtoridad.

Ang mga barangay na ito ay umabot na sa drug-cleared status matapos ang pagpapalabas ng sertipikasyon ng mga miyembro ng oversight committee sa barangay drug-clearing program, dagdag nito.

Binaklas din ng mga awtoridad ang 856 na drug den at isang clandestine shabu laboratory sa parehong panahon. Santi Celario

Previous articleNet income ng GSIS, tumaas sa P113B sa 2023
Next articleHigit 100K kompanya sinuspinde ng SEC