Home NATIONWIDE 54% ng mga Pinoy pabor sa pagpapalawak ng PH-US military ties sa...

54% ng mga Pinoy pabor sa pagpapalawak ng PH-US military ties sa WPS issue – OCTA

MANILA, Philippines – Malaking bilang ng mga Filipino ang sumusuporta sa pagpapalawak pa ng military cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos upang matugunan ang mga isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng OCTA na isinagawa mula Hulyo 22 hanggang 26, kung saan 54% ng adult Filipinos ang pabor na palakasin at palawakin ang Philippine-US military ties upang matugunan ang territorial disputes sa WPS.

Tanging 11% lamang ang hindi pabor at 32% ang undecided.

Ang lugar na may pinakamalaking suporta para sa expanded Philippine-US military ay ang Balance Luzon at Mindanao, na may 56% at 59% na resulta.

“Meanwhile, only 46 percent are favorable in both the NCR (National Capital Region) and Visayas,” sinabi ng OCTA.

May pinakamalaking pagtutol naman sa pagpapalakas at expansion ng US-PH military cooperation sa pagtugon sa WPS issues ay sa Visayas sa 14%, habang ang Balance Luzon (11%), NCR (8%), at Mindanao (11%) “have statistically similar levels of opposition to the policy at around one in ten adult Filipinos residing in those areas,” sinabi pa ng OCTA.

Sa socio-economic classes naman, Class E ang may pinakamataas na percentage na pabor sa expanded US-PH cooperation sa 67%.

Ang may pinakamalaking tutol naman ay sa Class ABC sa 15%, sinundan ng Class D sa 12%.

Para sa undecided, sinabi ng OCTA na naitala ang pinakamalaki sa NCR sa 44% sinundan ng Visayas sa 33%.

Ang Tugon ng Masa nationwide survey ay isang
independent and non-partisan poll na regular na isinasagawa ng OCTA gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 male at female respondents.

Mayroon itong ±3% margin of error at 95% confidence level. RNT/JGC

Previous article5 biktima ng human trafficking sakay ng RoRo, nasagip sa Batangas Port
Next articlePura Luka Vega idineklarang persona non grata sa Cebu City