Home HOME BANNER STORY 5,400 pasahero stranded sa Port of Manila – PCG

5,400 pasahero stranded sa Port of Manila – PCG

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na umabot na sa 5,400 pasahero ang kasalukuyang stranded sa Manila North Port Passenger Terminal matapos makansela ang kanilang biyahe bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Tropical Storm #KabayanPH ngayong araw, ika-18 ng Disyembre 2023.

Ayon kay PCG Public Affairs Service Acting Commander, CG Rear Admiral Armando Balilo ang mga barkong nananatili sa pantalan ay mga biyaheng Cebu City, Butuan City,Tagbilaran City at Cagayan de Oro City at naghihintay ng abiso para sa ligtas na paglalayag.

Ito ay kasunod ng pagbisita kaninang umaga ni Balilo sa North Port upang kamustahin ang lagay ng mga pasahero.

Katuwang ang PPA at MARINA, nakatutok ang PCG para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga mananakay sa pantalan bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2023.

Ayon kay Balilo, makakabiyahe lamang ang mga barko at mga pasaherong stranded kapag naalis na ang Typhon warning. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMalasakit Team ni Bong Go, 3-araw umayuda sa Pangasinan
Next articleNoKor kinondena ng Pilipinas sa ballistic missiles