Home NATIONWIDE Shearline, Amihan magpapaulan sa bansa

Shearline, Amihan magpapaulan sa bansa

MANILA, Philippines – Makaaapekto ang shear line sa northern at eastern sections ng Mindanao habang ang Northeast Monsoon (amihan) ay makakaapekto sa Luzon at Visayas sa Martes, sinabi ng PAGASA sa kanilang weather forecast.

Ang Northern Mindanao, Caraga, at ang Davao Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line na may posibleng flash flood o landslide na magaganap dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Bicol Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa monsoon na walang makabuluhang epekto.

Ang Metro Manila, ang nalalabing bahagi ng Luzon, at ang nalalabing bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahihinang pag-ulan dahil sa monsoon na walang makabuluhang epekto.

Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line at mga localized na pagkidlat-pagkulog na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 6:25 a.m., habang lulubog ito ng 5:46 p.m. RNT

Previous articleLotto Draw Result as of | January 15, 2024
Next articleGastroenteritis outbreak sa Baguio, tapos na – DOH