Home OPINION RDs PMGEN NARTATEZ, PBGEN MACARAEG NAGKAISA SA PAGSESERBISYO

RDs PMGEN NARTATEZ, PBGEN MACARAEG NAGKAISA SA PAGSESERBISYO

MALUGOD ang naging pagtanggap ni National Capital Region Police Office Director PMGen Jose Melencio Nartatez Jr. sa muling pagbalik ni PBGen Jimili Macaraeg sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City noong Martes, Pebrero 24 para sa kanyang “Sentimental Journey”.

Si Macaraeg, regional director ng Region 12 o SOCCSKSARGEN, nakatakdang magretiro sa Marso 20, 2024, ay maraming beses natalaga sa NCRPO sa iba’t ibang posisyon kung saan ang pinakahuli ay bilang director ng Southern Police District.

Sa mensahe sa simpleng seremonya na ipinagkaloob kay Macaraeg na pinangunahan ni Nartatez, sinabi ng huli na naging maganda ang turing sa kanya ni Macaraeg noong siya ay ‘plebe’ pa lang sa Philippine Military Academy. At iyon ay kanyang tinatanaw na utang na loob.

Sinabi naman ni Macaraeg, na naging magpartner sila ni Nartatez noong 2020 nang maitalaga siyang Director for Logistic Support Service habang si Nartatez ay natalagang Director for Finance kaya naman hindi nakaliligtas sa kanilang dalawa ang mga nais na magpalusot.

Nabatid na ilan sa mga plano at programa ni Macaraeg na pananatilihin ng puwersa ng pulisya ang momentum nito sa pagsasakatuparan ng misyon ng PNP at ihatid ang mandato nito na may lubos na integridad, kredibilidad at propesyonalismo, upang protektahan ang komunidad at para sa kaligtasan ng mamamayan.

Ipinakilala ni Macaraeg ang kanyang programang “Service with a H.E.A.R.T  ( Humility, Enthusiasm,Aspirations, Respect, and Timely)”.

Ang programang ito ay naninindigan para sa paglilingkod nang may Pagpapakumbaba, Kasiglahan, Adhikain at Paggalang. Dagdag ni Macaraeg, kapag ang pulis ay nagtataglay ng mga katangiang ito, makasisiguro na ito ay napapanahon  ang kanyang kilos kung kaya’t sakaling magkaroon ng problema, ang solusyon ay kusang darating.

Nakatanggap ng memento o alaala si Macaraeg mula sa RD ng NCRPO at maging ang asawa ng una ay hindi nalimutang bigyan ng magandang regalo ni Nartatez.

Previous articleTUMBUNGAN SA TONDO NASA BGC NA
Next articleABSWELTO ANG PDEA BOYS