MANILA, Philippines- Kabuuang 555 mula sa 886 na kumuha ng Setyembre 2023 Librarians Licensure Examination (LLE) ang pumasa, sinabi ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Setyembre 15.
Sa average na 88.85 percent, si Zamylle Ross Belaro Celso mula sa University of the East (UE)- Manila ang nanguna sa LLE.
Si Ana Lizette Santos Curitana (88.45 percent) mula sa National Teacher’s College at Floralene Fe Caberoy Marquez (88.40 percent) mula sa Notre Dame of Dadiangas University, Inc. ay pumangalawa at rank, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, nakuha naman ni John Zechariah Tendencia Basul (88.35) mula sa Philippine Normal University (PNU)- Manila ang pang-apat na puwesto, at si Lemuel Capulong Solano (88.05 porsiyento) mula sa University of the Philippines-Diliman (UPD) ang nakakuha ng ika-limang pwesto.
Isinagawa ang pagsusulit sa Metro Manila ,Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.
Pinangasiwaan ito ng Board for Librarians na pinamumunuan ng tagapangulo nitong si Yolanda C. Granda, at ng miyembrong si Lourdes T. David.
Sinabi ng PRC na ang mga pumasa ay maaaring magparehistro online para sa kanilang Professional Identification Card at Certificate of Registration mula Oktubre 18 hanggang 19.
Maaaring tingnan ng mga pumasa ang mga tagubilin para sa pagpaparehistro sa prc.gov.ph.
Sinabi ng PRC na ang petsa at lugar ng panunumpa ng librarian inductees ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden