Home METRO 58-anyos na lalaki, himas-rehas sa panggagahasa!

58-anyos na lalaki, himas-rehas sa panggagahasa!

307
0

MANILA, Philippines- Kulungan ang hinantungan ng isang 58-anyos na lalaki makaraang masangkot umano sa reklamong pangmomolestiya, sa Aliaga, Nueva Ecija.

Sa ulat ng pulisya ay kinilala ang pinaghihinalaang suspek na si Wilson Clemente y Soriano, Filipino, may asawa,
residente ng Barangay Bibiclat Aliaga, Nueva Ecija.

Ayon sa report, ganap na alas-5 ng hapon nang matunton ang suspek ng mga elemento ng intel/warrant operatives ng Aliaga police station, katuwang ang 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC), 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC) at Regional Mobile Force Battalion 3 (303rd), sa Barangay Bibiclat, Aliaga, Nueva Ecija.

Si Clemente ay inaresto sa bisa pa rin ng bitbit na arrest warrant para sa diumano’y dalawang beses na reklamong pangmomolestiya o Rape through Sexual Assault ng Article 266-A ng RPC, Republic Act (R.A.) 8353
(2 Counts) na may criminal cases number 35874-AF at 35875-AF na inisyu noong
May 10, 2023 sa Regional Trial Court (RTC) Branch 8-FC Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Halagang P180,000 bawat kaso ang inirekomendang piyansa ng korte sa RTC Branch 8, Family Court, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Pansamantalang nasa kustodiya ng nabatid na istasyon ng pulisya ang suspek. Elsa Navallo

Previous articleErrol Spence vs Terence Crawford  sisiklab sa Hulyo 29
Next article¬†‘King James’ bababa na ba sa trono?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here