Home NATIONWIDE 58 Mindanao solons lumagda sa manifesto; paghiwalay ng Mindanao tinututulan

58 Mindanao solons lumagda sa manifesto; paghiwalay ng Mindanao tinututulan

MANILA, Philippines – Nasa 57 mambabatas mula sa Mindanao ang lumagda sa isang manifesto na nagpapahayag ng pagtutol na ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas.

Giit ng mga Mindanao solons kasama sa bansa ang Mindanao at hindi ito kailanman dapat na ihiwalay.

Sinuman umano ang nagsusulong na ihiwalay ang Mindanao ay dapat na maparusahan dahil nagdudulot ito ng pagkakawatak-watak.

“Such actions not only undermine our democratic principles, the peace and security of our communities, and the collective welfare of the Filipino people but also betrays our oath of office to support and defend the Constitution, and to bear true faith and allegiance to the same, imposing upon ourselves this solemn obligation voluntarily, without mental reservation and purpose of evasion,” nakasaad sa manifesto.

Ilan sa mga nanawagan na ihiwalay ang Mindanao ay sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao del Norte Rep Pantaleon Alvarez.

Kapwa iginigiit nina Duterte at Alvarez na ang paghiwalay sa Mindanao ay kailangan dahil na rin sa naiisnab ito ng national government.

Sinabi ni Alvarez na ang paghiwalay sa Mindanao ay kanilang gagawin nang hindi humahawak ng armas.

Nanindigan ang 57 solon na dapat magkaisa ang bawat isa para proteksyunan ang bawat rehiyon sa bansa. Gail Mendoza

Previous articleLTO sa colorum operators: We will drag you to court
Next articleKontrata sa VCM para sa 2025 poll dedesisyunan na ng Comelec