Home NATIONWIDE 5K makikilahok sa 1st ‘combined arms drill’ ng PH Army

5K makikilahok sa 1st ‘combined arms drill’ ng PH Army

MANILA, Philippines- Nasa 5,000 sundalo ang makikibahagi sa kauna-unahang “combined arms training exercise” (CATEX) “Katihan” ng Philippine Army (PA) sa Marso kung saan itatampok ang paglipat mula sa internal security sa territorial defense operations.

“The large-scale exercise will effectively test the Army’s capability to move, maneuver, and sustain large-scale forces during combat operations,” pahayag ni PA spokesperson Col. Louie Dema-ala nitong Miyerkules.

Aniya pa, isasagawa ang drills sa ilang kampo sa Nueva Ecija at sa Tarlac.

Naganap ang pinal na pagpaplano para sa pagsasanay nitong Miyerkules sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Kasama rito ang 4,706 “dismounted contingents” at 1,463 “mounted contingents” mula sa iba’t ibang Army units sa Luzon, Visayas, at sa Mindanao.

Tumutukoy ang “dismounted contingents” sa units na walang anumang transport habang ang “mounted contingents” ay mga sundalo na nasa motorized, armor, at tracked artillery formations. RNT/SA

Previous articleBadoy hinatulang guilty sa indirect contempt
Next articleNurses group tutol sa pagtanggap ng clinical care associates