Home HOME BANNER STORY 6 akusado sa missing sabungeros case timbog sa P’que

6 akusado sa missing sabungeros case timbog sa P’que

399
0

MANILA, Philippines- Arestado ang anim sa mga akusado sa kaso ng missing sabungeros sa Parañaque, ayon kay Philippine National Police chief Police General Benjamin Acorda nitong Biyernes.

Nadakip ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group sina Julie Patidogan, Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano, Jr., Johnry Consolacion, at Gleer Codilla.

Base sa ulat, natunton ng PNP-CIDG ang kinaroroonan ng mga suspek sa tulong ng isang informant.

Nahuli ang mga suspek kasunod ng dalawang buwang surveillance operation.

“Nagkaroon kami ng tracers on these suspects kung saan sila. We cannot divulge our methodologies until such time. The last three days we conducted or executed the 24-hour surveillance intelligence operation kaya natunton namin ang location nila,” pahayag ni PNP-CIDG RFU 4A Chief Police Colonel Jacinto Malinao Jr.

Matatandaang kinasuhan ng mga pamilya ng missing sabungeros na sina John Claude Inonog, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, Rowel Gomez, at magkapatid na James Baccay at Marlon Baccay ang anim na security officers sa Manila Arena sa pagkawala ng mga ito noong January 2022.

Inihain ang mga reklamo para sa anim na counts ng kidnapping and serious illegal detention noong March 18, 2022 laban sa anim na suspek sa Department of Justice.

Nagsampa rin ang CIDG ng hiwalay na kasong kidnapping and serious illegal detention kaugnay ng pagkawala ng online sabong master agent na si Ricardo Lascho, na dinukot umano noong August 30, 2021 sa San Pablo, Laguna.   

Inihabla rin ng DOJ noong January 2023 ang mga suspek sa Manila Regional Trial Court. 

Subalit, iniurong ng mga pamilya ang mga kaso nitong nakaraang buwan, na ikinadismaya naman ng ibang kaanak ng mga biktima.

Samantala, inihayag ni Malinao na makatatanggap ang informant ng P6 milyong pabuya na ipinangako ng gobyerno sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa ikaaaresto ng mga suspek.

Noong Enero, naghain ang DOJ ng kidnapping and serious illegal detention charges laban sa anim na indibidwal na sangkot umano sa pagkawala ng anim na sabungero.

Sumuko rin ang tatlong dating pulis na inaakusahan sa pagdukot sa e-sabong agent na si Richard Lasco. RNT/SA

Previous article‘Vog’ naobserbahan sa Bulkang Taal
Next articleSharon, nasaktan sa pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here