Home METRO 6 durugista timbog sa pot session sa loob ng 10-wheeler truck

6 durugista timbog sa pot session sa loob ng 10-wheeler truck

San Ildefonso PNP photos

Bulacan – Arestado ng mga sumalakay na pulis ang anim na indibidwal na umano’y bumabatak sa loob ng truck sa bayan ng San Ildefonso.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Ronnel, truck driver, residente ng Brgy. San Juan, San Miguel, Alvin, truck helper, Brgy. Calasag, Paul, truck helper, Brgy. Pala-pala, Joe Mari, driver, Brgy. Malipampang, Romel, driver, Brgy. Pala-pala at Jinggoy, unemployed, Brgy. Bagong Barrio, San Ildefonso.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ni San Ildefonso Chief of police PLTCOL Russel Dennis Reburiano, ikinasa nila ang pagsalakay sa pot session nitong Lunes ng gabi, Pebrero 19 sa bypass road, Brgy. Pala-pala.

Ayon sa report ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na may nagaganap na pot session sa lugar kaya agad nila itong sinalakay.

Nabatid na naaktuhan ng mga sumalakay na pulis ang mga suspek na aktong bumabatak sa loob ng 10-wheeler truck kaya agad nilang inaresto.

Nakumpiska sa operasyon ang mga drug paraphernalia at pitong sachets na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 1.2 gramo at may halagang P8,160.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III

Previous articleTelemedicine app para sa mga PDL inilunsad ng DOJ
Next article72 residente sa Agusan del Sur naospital sa pagsusuka, LBM