Home METRO 6 kawatan sa pawnshop sa Koronadal tinutunton na ng PNP

6 kawatan sa pawnshop sa Koronadal tinutunton na ng PNP

MANILA, Philippines- Alam na ng Philippine National Police ang pagkakakilanlan ng anim na kawatang nanloob sa isang pawnshop sa Korondal City nitong Miyerkules.

Inihayag ni PNP PIO acting chief Col. Jean Fajardo na kasalukuyang tinutunton ang mga suspek na kinabibilangan ng dalawang nakasuot ng PNP athletic shirt. 

Batay sa kuha ng CCTV, pumasok ang dalawang armadong lalaking nakasuot ng PNP shirt at mga kasamahan ng mga ito sa isang pawnshop.

Hagip din sa footage ang pagpasok ng isa pang lalaking minaso ang pinto ng pawnshop.

Lumipas ang ilang minuto bago naglabasan ang mga lalaki.

Batay sa imbestigasyon, nakuha ng mga kawatan ang mga alahas at pera sa pawnshop. 

“Doon sa nag viral na robbery holdup sa isang pawnshop diyan sa Koronadal kung saan 6 yung suspects natin na pumasok doon at yun 2 nga doon ay nakita sa video na may suot na athletic uniform at kausap natin kanina yung PD ng South Cotabato at meron na silang mga persons of interest especially doon sa 2 nakasuot ng uniporme at hindi ito mga pulis,” paglilinaw ni Fajardo. 

Nakuha naman sa Barangay Saravia ang isinuot na PNP athletic shirt ng dalawang lalaki, at iba pang kagamitan, maging ang motorsiklong ginamit sa pagtakas ng mga salarin.

“May positive identification na tayo laban dito sa ilan sa mga suspects at yun ang gagamitin nating lead para matunton ang kanilang possible whereabouts,” wika ng opisyal.

Dahil dito, nag-alok ng P500,000 pabuya ang Koronadal City LGU sa makapagbibigay-impormasyon ukol sa kinaroroonan ng mga suspek. RNT/SA

Previous articleTraffic schemes sa Baguio para sa Panagbenga pinaplantsa na
Next articleBFP: Kaingin ihinto na kontra forest fire