Home METRO 6 militante sa Nueva Ecija kumalas na sa CPP-NPA

6 militante sa Nueva Ecija kumalas na sa CPP-NPA

MANILA, Philippines – Anim na miyembro ng militanteng grupo sa Nueva Ecija ang pormal nang kumalas sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa seremonyang idinaos sa Barangay Calabasa, Gabaldon nitong Lunes, Agosto 21.

Sa ulat nitong Martes, sinabi ni Col. Richard Caballero, Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) director, na ang anim na supporters ng CPP-NPA ay miyembro ng Alyansa ng Mamamayang Nagkakaisa (ALMANA).

Aniya, ang formal withdrawal ng suporta ng mga militante ay resulta ng Special Intelligence Operations ng mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, local police, Philippine Army, at iba pang law enforcement units.

Sinabi pa ni Caballero na ang CPP-NPA at mga taga-suporta nito ay patuloy na nagagapi bilang resulta ng tuloy-tuloy na anti-insurgency campaign ng pamahalaan.

“It was the product of the continuous joint efforts of the Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict,” saad sa pahayag.

Ani Caballero, ang anim na miyembro ng ALMANA ay pawang mga walang trabaho, kung saan ang mga ito ay sumasailalim na sa debriefing at nakatanggap na ng food packs bilang ayuda.

Maaari rin nilang makuha ang iba pang tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

“This undertaking would certainly neglect the influence and control of the CPP-NPA over their remaining supporters, and will create a perfect time for the other leftists to return to the government’s side,” ani Caballero. RNT/JGC

Previous articleWala pang official count sa nawawalang Pinoy sa Hawaii wildfires – consul
Next article16 patay sa road crash sa Mexico