Home METRO 6 miyembro ng termite gang arestado sa Maynila

6 miyembro ng termite gang arestado sa Maynila

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang anim na lalaki na naaresto matapos mahulicam sa CCTV na pumasok sa imburnal sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Anthony De Guzman, 46; Edgardo Abad, 42; Hector Macapayag, 34; Honorio Villegas, 53; Mark Catalan, 40 at Mark Van Damme Silva, 26, na pawang mga residente ng Tondo, Maynila.

Inaalam ngayon ng awtoridad ang posibilidad na sangkot sa kakaibang modus ng pagnanakaw ang mga suspek.

Ito ay makaraang marekober ng mga awtoridad sa kalapit na manhole ang mga gamit ng tinaguriang “termite gang” na pumapasok sa manhole at gumagawa ng hukay para mapasok ang target na establisyimento.

Narekober sa loob ng manhole ang head flashlights, lubid, chisel o pang-ukit, crowbar, balde at chain block, at lagareng bakal.

Ang mga suspek ay unang naaresto dulot nang paghahamon nila ng away at mga nakumpiskang pen gun na may bala at 5 mga patalim. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article2 lalaking tadtad ng bala natagpuan sa DRT
Next articleOrdinansa ng QC na mag-oobliga ng calorie count sa mga kainan, suportado ng DOH