Home HOME BANNER STORY 6 na Vietnamese, head security ng KTV bar inaresto sa laughing gas

6 na Vietnamese, head security ng KTV bar inaresto sa laughing gas

459
0

MANILA, Philippines – Pitong Vietnamese nationals ang inaresto ng National Bureau of Investigation – Anti Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) kasama ang isang Filipino na head security ng isang KTV bar sa Pasay City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Viet Huu Nguyen, Hie Van Bui, Tam Thanh Nguyen, Hue Thi Nguyen, Duty Van Nguyen, Canh Qliangm at Anh Hoang Pham.

Kinilala naman ang head security ng Genz KTV bar na si Jose Fritz D.Regino.

Nag-ugat ang operasyon sa impormasyon na natanggap ng NBI-AOTCD na ang bar ay nag-aalok at nagbibigay sa kanilang customer ng N2O o mas kilala bilang “Laughing Gas”, isang chemical compound na inuri bilang volatile substance sa ilalim ng P.D. 1619.

Isinagawa ang ilang serye ng surveillance operation at nakumpirma na ang nasabing establisyimento ay nag-aalok ng N2O sa kanilang customer kaya ikinasa ang entrapment operation.

Sa operasyon, nakumpiska ang 22 tangke na puno ng N2O at 12 pakete ng uninflated balloon na ginagamit bilang lalagyan ng N2O para sa pagkonsumo ng kanilang mga parokyano.

Nasamsam din kay Reginio ang isang (1) pistola, tatlong magazine, at dalawampu’t limang (25) piraso ng .45 caliber ammunition. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTINGNAN: Bulaong, Striegl magsisilbing inspirasyon sa atletang Pinoy
Next articlePuto vendor patay sa tambang

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here