Home HOME BANNER STORY 6 NPA rebels, sundalo patay sa sagupaan sa Batangas

6 NPA rebels, sundalo patay sa sagupaan sa Batangas

MANILA, Philippines – Patay ang anim na miyembro ng New People’s Army at isang sundalo sa nangyaring bakbakan nitong Linggo, Disyembre 17, sa Balayan, Batangas.

Ito ay kasabay ng nagpapatuloy na usapan sa pagbabalik ng peace talks ng pamahalaan at rebeldeng grupo.

Ayon sa ulat, anim na NPA members at isang sundalo ang nasawi habang tatlong sundalo naman ang sugatan sa sagupaan.

“The Armed Forces of the Philippines will pursue the fight against all terrorist groups that put our country in harm’s way,” pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro.

Nagpaabot naman siya ng pakikiramay sa pamilya ng nasawing sundalo. RNT/JGC

Previous articleSignal No. 2 itinaas sa 6 na lugar sa bagyong Kabayan
Next articleP700M jackpot Ultra Lotto 6/58, Superlotto 6/49 ‘di nasungkit!