CHINA – Anim katao ang nasawi sa pananaksak sa isang paaralan sa Guangdong province, China nitong Lunes, Hulyo 10.
“The victims include one teacher, two parents and three students,” sinabi ng tagapagsalita ng lokal na pamahalaan ng Lianjiang, lugar kung saan nangyari ang insidente.
Hindi na nagbigay ng pagkakakilanlan ng mga biktima maging ng edad ng mga ito.
“One suspect has been arrested,” aniya.
Ang suspek ay kinilala sa apelyidong “Wu”, 25-anyos na lalaki sabay-sabing ang pananaksak ay isang “intentional assault.”
“The incident was a stabbing,” sinabi pa ng mga awtoridad.
Biniberipika na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Ayon sa ulat, nangyari ang pag-atake bandang 7:40 ng umaga.
Bagama’t mahigpit na kontrolado ang paggamit ng mga baril o iba pang armas sa China, karaniwan naman ang insidente ng mass stabbings o pananaksak sa mga nagdaang taon. RNT/JGC