Home NATIONWIDE 6 patay sa sunog sa pabrika sa Taiwan

6 patay sa sunog sa pabrika sa Taiwan

TAIWAN – Anim ang nasawi sa sumiklab na sunog sa pabrika ng golf ball sa Pingtung county, Taiwan.

Sa nasabing bilang, tatlo sa mga ito ang bumbero na namatay dahil sa pagsabog.

Ang sunog ay nagsimula nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 22 at magdamag na tinupok ang pabrika dahilan para masaktan ang 100 indibidwal, na karamihan ay mga manggagawa.

Isa pang bumbero at tatlo katao ang nawawala pa rin sa kasalukuyan.

Binisita ni Taiwan President Tsai Ing-wen visited ang lugar nitong Sabado ng umaga, at nagpahayag ng pakikidalamhati sa pamilya ng mga biktima.

Nagpapatuloy na ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.

“I want to thank everyone for their hard work and please stay safe,” sinabi ni Tsai sa mga emergency response personnel.

Nagtungo rin ang Pangulo sa morgue para magbigay-respeto sa mga biktima, at bumisita pa sa mga sugatang dinala sa mga ospital.

Ayon naman sa opisyal ng Pingtung Fire Department, posibleng dahilan ng malalakas na pagsabog ay ang chemical peroxide na nakaimbak sa pabrika.

Ilang tao ang na-trap sa loob ng pabrika dahil sa mga pagsabog, kung saan isang bahagi pa ng bubong ng pabrika ang bumagsak. RNT/JGC

Previous articleUnang gold medals nasungkit ng China rowers sa Asian Games
Next articleIlang lugar na napinsala sa Maui wildfire, bubuksan na sa mga residente