Home HOME BANNER STORY 6 sundalo, 2 suspected Maute members patay sa Lanao clash

6 sundalo, 2 suspected Maute members patay sa Lanao clash

MANILA, Philippines – Patay ang anim na sundalo at dalawang hinihinalang miyembro ng Maute Group sa operasyon ng militar sa Munai, Lanao del Norte nitong Linggo, Pebrero 18 ayon sa Philippine Army.

Sinabi ni Army public affairs office chief Colonel Louie Dema-ala na nasugatan din ang apat pang sundalo at ilang miyembro ng Maute sa operasyon.

Napuruhan ang mga sundalo mula sa 44th Infantry Battalion at 3rd Scout Ranger Battalion na nanguna sa operasyon.

“Pursuit operation is ongoing and this is part of the continuing efforts to neutralize the perpetrators of Mindanao State University bombing,” dagdag ni Dema-ala.

Sa pahayag, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. na ang operasyon ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan para mahuli ang 18 hinihinalang miyembro ng Maute.

“In continuation of this effort, an operation was launched last February 18 resulting to 2 more dead among the enemy and several others wounded based on intelligence information,” ayon kay Brawner.

“However, six of our valiant soldiers paid the ultimate sacrifice while another four were wounded,” dagdag niya.

Nakiramay naman si Brawner sa pamilya ng mga nasawing sundalo at nangako na pupuksain ang Maute Group.

“As the CSAFP, I assure their families and every Filipino that justice will be meted and all efforts will be exhausted in pursuit of the enemy,” aniya.

“Our troops are motivated to finish the job and accomplish our mission of defeating local terrorist groups once and for all,” dagdag pa.

Kamakailan ay sinabi ng AFP na napatay ang hinihinalang mastermind sa pagpapasabog sa Mindanao State University at ang Maute amir na si Khadafi Mimbesa o “Engineer” sa operasyon sa Lanao del Sur noong Enero. RNT/JGC

Previous articlePagiging 2nd choice ni Bea kay Marian, usap-usapan!
Next articleUK-registered cargo ship inatake sa Yemen