Home HOME BANNER STORY 6 taong termino ng Pangulo sapat na – Digong

6 taong termino ng Pangulo sapat na – Digong

MANILA, Philippines- Inihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend na huwag hayaang amyendahan ang 1987 Constitution upang pumabor sa kasalukuyang administrasyon, base sa ulat nitong Lunes.

Sa isang prayer rally sa Cebu, sinabi ni Duterte na sapat na ang six-year term para sa presidente.

“Huwag baguhin ang Konstitusyon pabor sa kasalukuyang nakaupo at maghahangad pa ng karagdagang termino. Kumportable na tayo sa anim na taon. One term, let us stick to that,” giit ni Duterte.

Naiulat na inihayag umano ni Duterte na pabor siya sa pam-amyenda sa economic provisions ng kasalukuyang Konstitusyon maging pagbabago sa termino ng presidente basta’t tiyakin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi na siya magkakaroon ng panibagong termino.

Nauna nang inihayag ni Marcos na tanging economic provisions lamang ng Konstitusyon ang tatalakayin sa pinakabagong pagsusulong ng Charter change (Cha-cha), at sinabing hindi [a tamang panahon upang pag-usapan ang political provisions. RNT/SA

Previous articlePinoy teacher arestado sa US airport sa child porn
Next articleKathryn, kumanta ng Taylor song, kinonek kay Daniel!