Home METRO 6 timbog sa pekeng driver’s license

6 timbog sa pekeng driver’s license

105
0

MANILA, Philippines – Arestado ang may-ari ng isang printing shop at limang iba pa dahil sa pag-iimprenta at pagbebenta ng pekeng driver’s license sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Neil Jadonet, 54-taong gulang, negosyante, nakatira sa No. 1697 CM Recto Avenue, Sta. Cruz; mga tauhan niyang sina Orlando Dulay, 52; Christian Bejec, 28; Bernabe Grajo, 39; Dinalyn Coquia, 40; at Alice Braga, 30.

Pasado alas-6 kagabi, Pebrero 1 nang magkasa ng entrapment operation ang Manila Police District- Special Operations Unit, sa printing shop ng mga suspek sa may Recto Avenue.

Ikinasa ang operasyon dahil sa isang sumbong na nagbebenta ang mga suspek ng pekeng driver’s license ng Land Transportation Office (LTO) o mas kilala na “talahib”.

Matagumpay na nakapagpagawa at nakabili ng pekeng lisensya ang mga undercover buyer ng pulisya sa mga suspek dahilan para sila arestuhin.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang P500 marked money na ginamit sa operasyon, isang pekeng driver’s license, 2 resibo, isang mobile phone at dalawang placards na gamit para matukoy ang dokumentong gagawin nila.

Kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o mas kilala na Falsification of Public Documents sa Manila City Prosecutors Office ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article4 na Japanese robbery suspects pauuwiin na sa susundo na linggo
Next articleOperasyon ng Kaliwa Dam inaasahang magsisimula sa Disyembre 2026