6 tulak sinermunan ng Mayor sa Bataan

6 tulak sinermunan ng Mayor sa Bataan

June 29, 2020 @ 6:45 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Bataan – Hindi nakatiis si Samal Mayor Aida de Guia Macalinao na pagsabihan at sermunan ang anim na katao na sangkot sa illegal drugs.

Sa kabila ng pinaiiral na enhanced quarantine ay nagawa pang magbenta ng iligal na droga ang anim na katao.

“Magsipagbago na kayo! May pandemya na nga tayo, droga pa yang mga inaatupag ninyo!” pagalit na pahayag ng Alkalde.

Inatasan ni Mayor Macalinao ang pulisya na patuloy ang kampanya sa illegal drugs at iba pang illegal na gawain o mapagsamantala mga indibidwal.

Sa kabila ng panermon sa anim na sangkot sa illegal drugs ay nangako naman ang alkalde handa pa rin tulungan magbago pero kailangan managot muna sa batas ang mga ito. Rey Velasco

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...