Home NATIONWIDE 60 DQ cases ikinasa ng Comelec vs BSKE candidates

60 DQ cases ikinasa ng Comelec vs BSKE candidates

MANILA, Philippines – Umabot na sa 60 ang disqualification petitions na inihain laban sa mga kandidato ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE),sinabi ng Commission on Elections (Comelec) Task Force Anti-Epal.

Sa isang press conference, sinabi ni Task Force Anti-Epal Chief at Region 8 Director Nick Mendros, mianmadali na ang mga petisyon upang magkaroon na ng desisyon bago ang halalan sa Oktubre 30.

“Limited ho ang timeline namin dito. We can only file the petition to disqualify on or before October 30. Thereafter, kung may ma-receive pa kami, magiging election offense na ‘yun, it’ll fall under election offense,” saad ni Mendros.

Nitong Miyerkules, naglabas ang Task Force ng 4,672 show cause orders.

Nakatanggap din ito ng 936 na sagot mula sa mga kandidatong BSK na sangkot na may humigit-kumulang 200 posibleng disqualification petition na isampa para sa summary proceedings.

Iniulat din ng poll body na 326 ang na-drop ang reklamo dahil sa kakulangan ng makatotohanang batayan.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang Task Force Kontra Bigay ay maghahain ng 10 Disqualification petitions laban sa BSK candidates na umanoy sangkot sa vote buying .

Samantala, itinakda ng poll body ang pagdeply ng unang batch ng official ballots at accountable forms sa Comelec Sta. Rosa Warehouse sa Laguna, Miyerkules ng gabi.

Ipapadala ang unang batch sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Caraga Region. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleCall center job pinakamaraming bakanteng posisyon sa bansa
Next articleNPA patay sa engkwentro ng militar