MANILA, Philippines – Nasa 60 dating rebelde ang binigyan ng tulong pinansyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Western Visayas sa pagpapasailalim sa kanila sa programang TUPAD (Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers).
Nagmula ang mga benepisaryo sa mga barangay ng Buenavista, Carabalan, San Antonio at Mahalang sa Himamaylan City sa Negros Occidental.
Ayon sa DOLE, humingi ng tulong-pinansyal ang mga sumukong rebelde sa lokal na pamahalaan para makatulong sa pag-uumpisa nila ng panibagong buhay na siyang humiling sa DOLE-Western Visayas na isailalim ang mga benepisaryo sa TUPAD.
Advertisement