Home NATIONWIDE 60 indibidwal sisipot sa DOJ probe sa Degamo slay

60 indibidwal sisipot sa DOJ probe sa Degamo slay

DUMAGUETE CITY- Halos 60 complainants at witnesses ang nagtungo sa Manila nitong Lunes, isang araw bago ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Kabilang ang biyuda ng gobernador na si Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo, sa complainants na umalis sa lalawigan.

Inihatid sila sa dalawang batch sakay ng Philippine Air Force aircraft na umalis sa Dumaguete-Sibulan airport noong umaga at hapon.

Base sa DOJ notice of hearing, ang complainants sa mga kaso ng multiple murders, multiple frustrated murders, at multiple attempted murders sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code ay kailangang magtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) kasama ang kanilang mga testigo sa June 13 at June 20.

Kabilang sa respondents sa mga kaso sina Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., Angelou Palagtiw, alyas “Sister of Angelo Palagtiw,” isang nagngangalang “Gee Ann” o “Jie Ann,” Niel Andrew Go, Capt. Lloyd Cruz Garcia II, at Nigel Electona, base sa DOJ notice.

Kasama naman ang Pamplona mayor, 17 iba pa, at ang NBI-National Capital Region sa complainants sa parehong notice, batay sa kopyang ipinalabas sa media.

Nagmula ang reklamo sa March 4 attack sa Degamo residential compound sa Pamplona kung saan pinagbabaril ang gobernador habang namamahagi ng tulong sa mga benepisyaryo.

Bukod sa gobernador, siyam pa ang napatay habang 16 ang sugatan sa mass shooting ng mga armadong kalalakihan na kalaunan ay magkakahiwalay na naaresto, at kasalukuyang nahaharap sa mga reklamo.

Si Teves, na dalawang beses sinuspinde ng Kamara, ang itinuturong mastermind sa Degamo assassination. Mariin naman niyang itinanggi ang mga akusasyon laban sa kanya.

Hindi pa rin umuuwi sa Pilipinas ang mambabatas, dahil umano sa banta sa kanyang buhay. RNT/SA

Previous articleDMW magsasagawa ng regular online job fair
Next articleAndrea, pinayuhan ni Vice!