Home NATIONWIDE 60% of PhilSys ID naimprenta na

60% of PhilSys ID naimprenta na

MANILA, Philippines – Nakumpleto na ng Philippine Statistics Authority ang pag-imprenta sa mahigit 60% ng
national identification cards (IDs), sinabi ni PSA Deputy National Statistician Fred Sollesta nitong Biyernes, Marso 15.

Ayon kay Sollesta, hanggang nitong Marso 15, 54 milyong physical copies na ng Philippine Identification System (PhilSys) IDs ang naimprenta.

Sa mga nalimbag na ID, 50 milyon ang naipadala na habang 45 milyong ePhilIDs naman ang naisyu.

Nasa 85 milyong Filipino ang nakapagparehistro na sa PhilSys ID.

“When we started the registration in 2021, napakataas ng ating turnout sa registration, umabot siya ng 300,000 to 400,000 per day. Nakaabot tayo ng 53 million registration in 2021 alone,” sinabi ni Sollesta sa public briefing.

“Nagkaroon na tayo ng bottleneck pero it is expected na with our rate of printing, matapos natin ito maybe this year, 2024,” dagdag pa niya.

“Majority na tayo, mga 60% plus na tayo sa printing ng physical card.”

Noong Setyembre 2023, sinabi ng PSA na target nitong mairehistro ang 101 milyong Filipino para sa national ID system pagsapit ng 2024. RNT/JGC

Previous articleKliyente ng law firm itinumba; isa sa mga gunman patay sa engkwentro
Next articleRed Ollero, pinasok na ang Netflix!