Home NATIONWIDE 600 BSKE candidates pinagpapaliwanag

600 BSKE candidates pinagpapaliwanag

292
0

MANILA, Philippines- Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) ang halos 600 Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) candidates sa mga posibleng paglabag sa halalan, sinabi ni Chairman George Garcia nitong Huwebes.

Ayon kay Garcia, nakapagpadala na ang komisyon ng humigit-kumulang 400 show cause order laban sa halos 400 indibidwal na nangangailangang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat madiskwalipika at o kasuhan ng kriminal.

Bukod dito, may 200 pang ipadadala ngayong araw at sa mga susunod pa.

Binalaan ng chairman ang mga lumalabag sa regulasyon sa halalan na ang motu proprio investigations– pagsisiyasat nang walang pormal na kahilingan– ay isasagawa kaagad pagkatapos na maisampa ang mga kaso laban sa kanila.

Sinabi ni Garcia na ang mga reklamo ay ihahain ng Comelec task force laban sa kandidato, at idiniin na ang mga nagrereklamo ay hindi kailangang maghain ng mga protesta mismo.

Paulit-ulit na nagbabala ang Comelec kaugnay sa maagang pangangampanya dahil ang campaign period ay tatakbo mula Okt. 19 hanggang 28.

Sinabi ni Garcia na ang lahat ng mediums para sa pagtataguyod ng mga kandidato, kapwa para sa mga tradisyonal na poster, paraphernalia at mga post sa social media, ay itinuturing na batayan para sa maagang pangangampanya.

Gayunman, aminado si Garcia na kulang sila sa tauhan para tugunan ang lahat ng mga kasong may kinalaman sa halalan na isinampa sa ngayon.

Samantala, sinabi ni Garcia na hindi bababa sa 300 ang naaresto dahil sa paglabag sa nationwide gun ban, 100 na pagtaas mula sa humigit-kumulang 200 indibidwal na naaresto isang linggo matapos ipatupad ang pagbabawal.

Bilang paghahanda sa nationwide elections, sinabi rin ni Garcia na marami pang checkpoints ang ilalagay sa ilang bahagi ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMr. M, natulala kay Stell!
Next articlePagkapanalo sa World Travel Awards inialay sa Pinoy divers

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here