Home HOME BANNER STORY 600 kilo ng ismagel na karne nasabat sa Parañaque

600 kilo ng ismagel na karne nasabat sa Parañaque

274
0

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng Department of Agriculture – National Meat Inspection Service (NMIS) ang P250,000 halaga ng karne, o 600 kilo ng manok, pato, at baboy na hinihinalang ipinuslit o illegal na ipinasok mula China.

Nitong Huwebes, Agosto 10, ay nilusob ng NMIS ang apat na tindahan sa Paranaque City, kung saan sa naturang operasyon, nadiskubre na ang mga shop na ito ay nagtataglay ng pinekeng
meat inspection certificates dahilan para magkaroon ng safety issues at kung saan nagmula ang mga karne.

Inihayag din ng NMIS Central Office Enforcement na ang ipinakitang meat inspection certificate ay peke at nagtataglay ng maling impormasyon.

“Mayroon din tayo na na-present satin na Meat Inspection Certificate. Ito po ay fake po. Na-verify natin sa San Simon ang (certificate), pero ang pangalan po ay nasa NCR. Yung meat establishment po ay hindi po dito sa NCR, at ito ay nasa Pampanga. Hindi rin natin ma-identify kung sino nag-issue (ng certificate).Technically po smuggled ang lalabas po sya ngayon dahil walang documents. Ang tawag sa kaniya ay hot meat so in violation sa meat inspection code of the Philippines,” pahayag ni Dr. June Padasas ng NMIS Central Office Enforcement.

Ipinunto rin ng NMIS ang kahalagahan ng inspeksyon sa mga imported na karne upang maiwasan ang pagpasok ng mga sakit katulad ng bird flu.

Dagdag pa, mahigpit ding ipinagbabawal ang pag-angkat ng baboy mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever katulad ng China.

“Ito yung reason bakit tayo nag-ban kasi may mga sakit. Example natin yung bird flu yung bird flu po ay disease siya na kakalat sa tao kung patuloy na papasok dito. Chances are pwede tayo tamaan. Yung pork eh yung ASF tuloy tuloy yung pag-ragasa satin. Malaki epekto sa ekonomiya at sa local industry,” ani Padasas.

Sinabi ng NMIS na ang pinakahuling raid sa mga tindahan sa Paranaque City ay katulad ng mga operasyong ikinasa nila sa Bulacan, Rizal at Pasay.

Ang apat na tindahang nagbebenta ng nakumpiskang karne ay pareho ng branding at matutukoy na mula sa China.

“Na-trace natin na mayroon siyang pinangggalingan na isang grupo na nagpapa-takbo kasi pare-pareho yung mga brand yung sa Meycauayan. Nakikita natin sa Binangonan. Nakikita din natin sa Taytay. Itong brand ng black chicken ay same markings na nakuha natin last month sa Pasay naman at sa Cartimar,” ayon ay Dennis Solomon, Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement head.

“So yung tinatakbo ng investigation malapit na naming matumbok ang source ng lahat ng hot meat na ito at bawal na produkto,” dagdag pa.

Upang hindi na maibenta pa at makain ang mga illegal na produkto ay sisirain ng DA ang mga nakumpiskang karne. RNT/JGC

Previous articleWalang kadeteng Pinoy na ipinadala sa Chinese military school – AFP chief
Next article‘Barbie’ movie ipinagbawal sa Kuwait sa ‘public ethics’ concern

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here