
PERSONAL na binisita at kinumusta ni Senadora Imee R. Marcos ang higit 600 pamilya na nasunugan sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City noong Biyernes, Feb. 3, 2023.
Namahagi ang Senadora ng tig-P5,000 o P3,010,000 na tulong pinansyal sa may 602 pamilyang nasunugan na walang naisalbang mga kagamitan.
Bukod sa ayuda, nagsagawa rin ang Senadora ng nutribun feeding sa mga biktima ng sunog.