MANILA, Philippines – Nagsagawa ng feeding program ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas kung saan naging benepisyaryo ang 600 tsikiting sa lungsod.
Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, isinagawa ang feeding program para sa mga bata sa Barangay BF International CAA nitong nakaraang Biyernes (Peberero 10).
Ayon kay Aguilar, ang 600 tsikiting ay pinagkalooban ng masustansiyang “almondigas”, isang noodle soup na mayroong meatballs at patola, pandesal, at bottled water.
Bukod sa pagkain ay pinagkalooban din ang mga bata ng laruan na galing sa Ronald Mcdonald House Charities.
Ang naturang aktibidad na feeding program ay inorganisa ng City Nutrition Office na pinamumunuan ni Dr. Julio Javier II.
Dagdag pa ni Aguilar na ang feeding program ay bahagi ng pagsisikap ng kanyang adminsitrasyon na tugunan ang malnourishment ng mga kabataan sa bunong lungsod.
Ang “Kusina ng Las Piñas”, ayon pa kay Aguilar, ay umiikot sa buong lungsod upang mabigyan ng masusustansiyang pagkain ang mga kabataan. (James I. Catapusan)