Home NATIONWIDE 600K ektaryang taniman ng bigas, mais sinalanta ni ‘Kabayan’

600K ektaryang taniman ng bigas, mais sinalanta ni ‘Kabayan’

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Agriculture nitong Martes na umabot sa crops 625,963 ektarya ang sukat ng atanimang apektado ni dating Tropical Depression Kabayan.

Napinsala ni Kabayan, na isa na ngayong low pressure area, ang 424,673 ektarya ng bigas at 201,290 ektarya ng mais.

“Based on the combined data of affected regions 4-B, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12 and 13 as of December 18,” pahayag ng DA.

Wala pang datos ukol sa halaga ng pinsala.

Hinihintay pa ng DA ang pagsusumite ng situationer reports, partikular sa agricultural areas, mula sa regional field offices nito. RNT/SA

Previous articleP17M puslit na sigarilyo nasabat sa South Cotabato
Next articleP30M ismagel na mamahaling sasakyan naharang ng BOC