Home HOME BANNER STORY 60K daily arrivals naitala ng BI sa buong bansa ngayong Disyembre

60K daily arrivals naitala ng BI sa buong bansa ngayong Disyembre

MANILA, Philippines – Naitala ng Bureau of Immigration (BI) ang halos 60,000 daily arrivals sa buong bansa ngayong Disyembre.

Ayon sa BI, tumaas ang arrivals mula 50,000 sa unang linggo ng Disyembre, sa halos 60,000 sa linggo bago mag-Pasko.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na mahigit 85% ng mga pasahero ay dumating sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport.

Samantala, sinabi rin ni Tansingco na nakapagtala ang BI ng 31,408 departures noong Disyembre 23, mas mataas sa 25,749 departures sa unang araw ng Disyembre.

Para sa mas mabilis na Immigration clearance, inabisuhan ni Tansingco ang mga pasahero na gamitin na ng mga Filipino ang e-gates.

Nagpaalala rin siya sa mga pasahero na magparehistro sa etravel.gov.ph, 72 oras bago ang arrival o departure mula sa bansa.

“All hands on deck for our immigration officers. We commend our frontline personnel who remain on duty and sacrifice time with their families during the holidays to be able to service the traveling public,” saad sa pahayag ng opisyal. RNT/JGC

Previous articleSuspek na pumatay sa bakasyonistang OFW nahuli na; biktima sinaksak ng 26 beses
Next articlePaglalagay sa Red Sea bilang high-risk area, suportado ng Pilipinas