MANILA, Philippine – Maaring umabot sa 60,000 fatalities at 120,000 mawawalang tao ang inaasahan kung tumama ang 7.2-magnitude na lindol sa Metro Manila, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes.
“Doon sa ganoong pag-aaral din, merong in-assume dyan na merong maaring masawi na mahigit 60,000 na mga mamamayan,” ani NDRRMC executive director Undersecretary Ariel Nepomuceno.
Idinagdag niya na halos 3,000 mga gusali at bahay ang matatagpuan sa isang fault.
Ginawa ni Nepomuceno ang pahayag sa isinagawang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2023 ng NDRRMC, na ginanap sa Greenfield District sa Mandaluyong City.
Nagsimula ang earthquake drill sa pagpindot ng button na nag-trigger ng malakas na sirena. Ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay nagpraktis ng duck, cover, at hold protocol.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr. na ang West Valley Fault, na wala pang isang kilometro ang layo mula sa venue ng drill, ay inaasahang gagalaw tuwing 400 hanggang 600 taon.
Aniya, huling naranasan ng Metro Manila ang pinakahuling “The Big One” ay noong huling bahagi ng 1600s.
Ipinunto din ni Solidum na hindi dapat maging kampante ang mga Pilipino sa posibleng malakas na lindol at dapat paghandaan ito. RNT