Home METRO 62 pamilya lumikas sa matinding ulan ng LPA sa Palawan

62 pamilya lumikas sa matinding ulan ng LPA sa Palawan

MANILA, Philippines – Aabot sa 62 pamilya o 244 indibidwal sa Puerto Pricesa City, Palawan ang inilikas dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng low pressure area.

Ayon sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) nitong Miyerkules, Disyembre 20, 59 pamilya o 235 indibidwal ang tumutuloy sa evacuation center sa maliit na city hall ng CDRRMO. Ito ay nagmula sa Barangay Luzviminda, habang ang tatlo iba pa ay mula sa Barangay San Miguel.

Karamihan sa mga evacuees ay nakabalik din agad sa kanilang mga tirahan, at 13 na lamang ang nasa evacuation center pa rin.

Samantala, iniulat ng CDRRMO na hindi madaanan ang bahagi ng national highway sa Barangay Inagawan-sub dahil sa hanggang bewang na baha.

Agad din naman na humupa ang baha makalipas ang ilang oras.

Ang LPA ay ang huminang tropical depression Kabayan na naunang tumama sa Mindanao nitong Lunes. RNT/JGC

Previous articleActNow Chronic Kidney Disease program MOU signing
Next articleTrain test run sa Cavite extension phase 1 matagumpay