Home NATIONWIDE 622K Pinoy namasyal sa Japan – JNTO

622K Pinoy namasyal sa Japan – JNTO

MANILA, Philippines – Mahigit 620,000 Filipino ang bumisita sa Japan noong nakaraang taon.

Sa datos mula sa Japan National Tourism Organization, mayroong 622,300 ang bumisita mula sa Pilipinas noong 2023, mas mataas ng 1.5$ mula sa lebel na naitala noong 2019 o bago ang COVID-19 pandemic.

“Last July, the number was the highest in ASEAN. People-to-people exchange is flourishing. We would like to keep our country attractive to the Filipino people,” ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko.

Samantala, mayroon namang 305,580 Japanese nationals ang bumisita sa Pilipinas noong 2023 batay sa datos ng Department of Tourism.

Ani Koshikawa, ng bilateral relations “have evolved beyond traditional areas and made great progress in a variety of new areas with the warm support of the Filipino people.”

Nagpahayag ito ng full commitment ng Japan sa pagtulong sa konstruksyon ng key infrastructure projects ng bansa katulad ng Metro Manila Subway, North-South Commuter Railway, at Davao Bypass, maging ang karagdagang mga brand-new patrol vessels para sa Philippine Coast Guard.

“As for the private sector, Japan welcomes ongoing efforts to improve the investment and business environment of the Philippines,” ani Koshikawa.

“I am convinced that it will lead to a steady and substantial increase in foreign direct investment in this country with immense potential. At the same time, we also greatly anticipate investment in Japan from the Philippine business community, and the Japanese Embassy and JETRO (Japan External Trade Organization) will provide assistance to interested companies,” dagdag niya.

Umaasa ito na mas uunlad pa ang security at defense cooperation matapos na magkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na magsimula na sa negosasyon ng Reciprocal Access Agreement at pangangasiwa sa kooperasyon sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at Japan Self-Defense Force.

“In addition, our leaders agreed that the Philippines would be the first recipient of Official Security Assistance with the provision of coastal radar systems,” sinabi ni Koshikawa.

Inulit niya rin ang commitment ng Japan “to ensuring lasting peace and prosperity in Mindanao.”

“Under the strong leadership of both countries and your support, I hope cooperation between Japan and the Philippines will grow to even greater heights,” aniya. RNT/JGC

Previous articlePrivate tutor pinatay sa saksak, itinapon sa ilog
Next articleZelensky nangako ng tagumpay ng Ukraine vs Russia sa second war anniversary