Home NATIONWIDE 64 katao minasaker sa tribal war sa Papua New Guinea

64 katao minasaker sa tribal war sa Papua New Guinea

PAPUA NEW GUINEA – Nasa 64 katao ang minasaker sa panibagong tribal violence sa Papua New Guinea.

Ang tribo, mga ka-alyado nito at mercenaries, ay papunta sa kabilang tribo para atakehin nang tambangan ang mga ito sa Enga province, sinabi ni Papua New Guinea Constabulary Acting Superintendent George Kakas.

Inaasahang mas marami pang bangkay ang madidiskubre ng pulisya, kasama ng iba pang mga sugatan na nakatakas.

“These tribesmen have been killed all over the countryside, all over the bush,” ani Kakas.

Nagkalat ang mga bangkay sa iba’t ibang lugar na pinangyarihan ng karahasan.

“We presume the numbers will go up to 60 or 65,” sinabi ng opisyal.

Ito na ang pinakamataas na death toll mula sa serye ng mga karahasan sa liblib na lugar ng Papua New Guinea.

Nangako ng tulong si Australian Prime Minister Anthony Albanese para sa Papua New Guinea.

“That is very disturbing the news that has come out of Papua New Guinea,” ayon kay Albanese.

“We remain available to provide whatever support we can in a practical way, of course, to help our friends in PNG,” dagdag pa niya.

Ang tribal violence sa Enga region ay mas tumindi noong 2022 matapos na mapanatili ni Prime Minister James Marape ang pamumuno sa bansa sa naganap na eleksyon. RNT/JGC

Previous articleSenado opisyal nang naglabas ng subpoena vs Quiboloy
Next articleWitness sa Senate hearing vs Quiboloy, may panibagong pasabog