Home NATIONWIDE 66 BSKE candidates nanganganib madiskwalipika sa premature campaigning

66 BSKE candidates nanganganib madiskwalipika sa premature campaigning

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 66 na kandidato para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang maaaring maharap sa mga kaso ng disqualification dahil sa umano’y napaaga na pangangampanya, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo, Setyembre 24.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nasa 1,955 show cause orders naman ang nailabas na ng poll body sa mga BSKE candidates hanggang nitong Sabado.

Sa mga ito, 228 kandidato ang sumagot na.

Nasa 104 reklamo naman ang na-drop dahil walang mga tunay na basehan.

Ilan lamang sa dahilan ng mga kaso ng disqualification, paliwanag ni Garcia, kung saan may mga kandidatong nagho-host ng raffle draw, habang ang iba ay nagpo-post ng mga campaign materials na kinabibilangan ng kanilang mga pangalan at posisyon na kanilang tinatakbuhan.

Ang pangangampanya ay magsisimula sa Oktubre 19 hanggang Oktubre 28.

“Kahit anong platform ‘yan, ‘yan ay premature campaigning,” giit ni Garcia.

Sinabi ni Garcia na nakatakdang magsampa ng pormal na disqualification cases ang Comelec sa darating na linggo.

Ang mga ito ay ira-raffle sa iba’t ibang dibisyon ng Comelec para magsagawa ng mga pagdinig, at ang mga desisyon sa mga kaso ay inaasahang ilalabas bago ang BSKE sa Oktubre 30.

“Dahil kandidato na kayo, applicable pa ang Section 80 ng Omnibus Election Code, ‘yung tinatawag na premature campaigning,” ani Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleComelec naglabas ng show cause orders sa 1,955 BSKE candidates sa premature campaigning
Next articleKalaguyo patay sa mister ni misis