Home NATIONWIDE 6,650 trabahador kakalusin ng Dell

6,650 trabahador kakalusin ng Dell

77
0

UNITED STATES – Kakalusin ng Dell Technologies Inc ang nasa 6,650 trabaho nito o nasa 5% ng kabuuang global workforce.

Ito ang iniulat ng Bloomberg News nitong Lunes, Pebrero 6, kung saan ang bumababang demand sa personal computer ang dahilan ng desisyon.

Sa kasalukuyan kasi ay nakararanas ang kompanya ng market condition na “continue to erode with an uncertain future,” sinabi ni co-chief operating officer Jeff Clarke sa memo sa kanilang mga empleyado.

Hindi na rin kayang mapigilan ng kanilang ikinasang cost-cutting measures ang epekto nito.

Ayon sa Dell, ang department reorganizations at pagtapyas sa mga trabahador ay oportunidad para mas mapabuti pa ang serbisyo ng kompanya.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang Dell patungkol dito.

Matatandaan na marami na ring mga kompanya ang nagtanggal ng mga empleyado nito katulad ng Microsoft Corp, Amazon.com Inc at Goldman Sachs Group Inc dahil sa mataas naman na inflation at interest rates. RNT/JGC

Previous articleBarangay workers bibigyan ng accident insurance ng Manila LGU
Next articleLovi, pinuri ni Regine, pwede na raw ‘matigok’!