MANILA, Philippines – Umabot na sa 66,508 ang kabuuang bilang ng nasawing indibidwal sa Pilipinas dahil sa COVID-19.
Nakapagtala rin ang Department of Health nitong Biyernes ng dagdag na 294 bagong kaso dahilan para maitala ang 4,169,361 na total case load.
Bahagya ring bumaba ang aktibong kaso ng COVID sa 6,029, mula sa 6,132 noong Huwebes.
Umakyat naman sa 4,096,824 ang total recoveries sa bansa.
Naitala sa Natiomal Capital Region ang pinakamataas na aktibong kaso ng COVID sa 899, na sinundan ng Central Luzon sa 712, Calabarzon sa 544, Western Visayas sa 412, at sa Iloxos Region sa 350.
Hanggang nitong Hulyo 13 nasa 3,814 higaan ang may pasyente, habang 20,550 ang bakante. RNT