MANILA, Philippines- Mayorya ng mga Pilipino ang nagsabing “it is hard to find a job these days,” batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa sa unang quarter ng 2023.
Base sa SWS survey results na ipinalabas nitong Huwebes, 69 porsyento ng mga Pilipino ang nahihirapang maghanap ng trabaho sa panahong ito.
Samantala, 11 porsyento ang nagsabing “finding a job is easy these days,” 16 porsyento ang nagsabing ito ay “neither easy nor hard,” habang ang 4 porsyento “don’t know.”
Inilahad din ng SWS na ang survey results sa paghahanap ng tabaho “has always been hard since 2011.”
Bagama’t mataas na porsyento ng mga indibidwal ang nagsasabing mahirap makahanap ng trabaho sa panahong ito, sinabi ng SWS na 50 porsyento ang naniniwala na magkakaroon ng mas maraming trabaho sa susunod na 12 buwan.
Samantala, 26 porsyento ang naniniwala na walang magbabago, 10 porsyento ang naniniwala na magkakaroon ng “fewer jobs,” habang ang 14 porsyento “don’t know.”
“Since 2009, except during the height of the Covid-19 pandemic, Filipinos have been more optimistic about job availability,” giit ng SWS.
Isinagawa ang First Quarter 2023 SWS survey mula March 26-29, 2023, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults edad 18 pataas sa buong bansa.
Mayroon itong margin of error na +/-2.8 porsyento. RNT/SA