MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 69% ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang nagsabing nahihirapan silang makakuha ng trabaho sa mga panahong naito, iniulat ng isang survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon sa SWS survey na inilabas noong Huwebes, 11% lamang ng mga respondent ang nagsabing madali na ngayon ang paghahanap ng trabaho.
Napag-alaman din na 16% ang nagsabing hindi madali o mahirap at 4% ang nagsabing hindi nila alam.
Samantala, kalahati ng mga respondent ay nakitang positibo na magkakaroon ng mas maraming trabaho sa susunod na 12 buwan.
Iniulat ng SWS na 26% ang naniniwalang walang mga pagbabago habang 10% ang nagsabing magkakaroon ng mas kaunting bakanteng trabaho.
Ang natitirang 14% ay nagsabing hindi nila alam.
May kabuuang 1,200 Filipino adults sa buong bansa ang in-person na nakapanayam noong Marso 26 hanggang 29.
Sinabi ng SWS na ang pag-aaral ay may sampling error margin na ±2.8%.
Napag-alaman din ng pollster na hindi bababa sa 19% ng lakas-paggawa, o 8.7 milyong Pilipino, ay walang trabaho.
Ayon sa pinakahuling pagtatantya mula sa Philippine Statistics Authority, nasa 2.42 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Marso. RNT